Simula ngayong May 12 (Biyernes), mapapanood na sa nangungunang streaming platform ng mundo na Netflix ang television series na "Suntok sa Buwan".
Mula sa TV5, Cignal Entertainment at Project 8 corner San Joaquin Productions, umiikot ang kuwento ng teleserye sa isang ama na dating boksingero na may masalimuot na nakaraan na naglalayong maprotektahan ang kanyang anak na nangangarap din na maging isang magaling na boksingero.
Pinagbibidahan ito nina Aga Muhlach, Elijah Canlas, Maris Racal at marami pang iba.
Una itong umere sa TodoMax Primetime Singko block ng TV5 ang #SuntokSaBuwan noong July 18 hanggang December 8, 2022.
Matatandaan na nitong July 27, 2022 nang pinalabas din sa Netflix ang hit primetime teleserye na "Niña Niño" na pinagbidahan nina Maja Salvador at Noel Comia, Jr..
Kagaya ng Niña Niño, nakatanggap din ng samu’t saring papuri mula sa mga kilalang TV critics ang Suntok sa Buwan, partikular sa storytelling at technical aspect ng programa.