TV5, CIGNAL, PLDT, AT SMART, SANIB-PWERSA PARA IHATID SA PINOY SPORTS FANS ANG PARIS 2024 OLYMPICS

 


Mula 2012 London Olympics hanggang 2022 Beijing Winter Olympics, ang MVP Group of Companies na ang naging go-to platform ninyo para sa exciting at intense na Olympic Action sa FREE TV, Pay TV at Online.

At sa nalalapit na Paris 2024 Olympics, muling ihahatid ng MVP Group of Companies ang MOST COMPREHENSIVE Olympic Coverage sa sa kahit na saang platform dahil noong June 10, 2024, opisyal na mapapanood ang Paris 2024 Olympics sa kahit na saang platform ng MVP Group of Companies mula July 26 hanggang August 11 sa Pransya.

Dito unang mapapanood ang mga World Class competitions na ating inaabangan at ang mga Pinoy Athletes na sasabak para makamit ng susunod na Gintong Medalya ng Olympic Games.

Mapapanood sa FREE TV tulad ang One Sports at RPTV ang mga exciting Olympic Action ng mga Pinoy Athletes sa Paris habang ang TV5 naman ay magbibigay ng karampatang oras para sa mga highlights at news features ukol sa Olympics. Habang sa Pay TV naman sa pamamagitan ng Cignal TV, mapapanood ang iba pang mga olympic sports sa One Sports+ at tatlong Olympic Dedicated Channels exclusive para sa mga Cignal Subscribers.

Sa Online naman, mapapanood din via Pilipinas LIVE ang lahat ng mga kaganapan sa Olympics. LIBRE ding mapapanood via YouTube and Facebook pages ng One Sports, Puso Pilipinas at Smart Sports ang ilang mga kaganapan sa Paris. Para naman sa mga Smart and TNT Subscribers, LIBRE ring mapapanood sa kanilang streaming app na Smart LiveStream.

Sa mga PLDT Home bundled with Cignal TV katulad lamang na Unli Fiber All plans, magooffer din sila ng multiple channels para sa kanilang subscribers.

Gagawa ang Cignal TV ng docu series na pinamagatang "This is Our Team" para ipakita ang journey at preperasyon ng mga Pinoy Athletes sa nalalapit na Paris 2024 Olympics, sa pakikipagtulungan ng  Philippine Olympic Committee (POC).

Sa statement ni Cignal FVP, Head Channel Management & Programming Sienna Olaso, "The events of the Philippine team baka magsabay-sabay so even that we made sure that we're able to bring everything live, so there will be times na pag nag-sabay lalo pag after the qualifiers at nag-qualify tayo. We made sure that all of those are available. Lahat ng Philippine events will be free on social media [and] on free-to-air."

Dagdag pa ni MVP Chairman, Manny V. Pangilinan, "We've always believed in the ability of the Filipino athlete and we're reiterating that dedication as we put all hands-on deck for this monumental undertaking. We're excited for them to bring more glory to the country in Paris 2024."

Saad naman ni Cignal TV & MediaQuest CEO, Jane J. Basas, "We promise to deliver the biggest coverage for Paris 2024, the best which only the Filipino athlete deserve as we witness them display their athletic prowess before the world."

Naka-abang na ang buong Pilipinas para ipakita ang kanilang galing at ipamalas ang kanilang puso sa larangan ng palakasan! 'Wag palampasin ang Paris 2024 Olympics, July 26 - August 11 sa TV5, One Sports, RPTV, One Sports+, Smart at PLDT Home. The Official Philippine Broadcaster of the Paris 2024 Olympics in Paris, France.

1 Comments

Previous Post Next Post

Contact Form