4 years ago, isang BL series mula sa Thailand ang nagpakilig, nagpaiyak at nagpakumpleto sa puso natin tuwing gabi. Ang 2Gether The Series.
It's light, funny and syempre romantic! Sino ba naman ang hindi makakalimot sa love story nina Sarawat at Tine na kahit 4 years na ang nakalipas ay hindi parin nawawala ang spark at kilig na ating nadarama.
Kaya dito sa Kapatid Insider, balikan natin ang TOP 5 unforgettable moments nina Sarawat at Tine na nagpakilig sa ating puso.
This is Kapatid Insider's TOP 5 WatTine kilig moments from 2Gether The Series!
TOP 5: Sarawat at Tine F1RST meet up in the university.
- Imagine, sa daming girls na pumipila para lang makita at hanapin si Sarawat, si Tine hindi rin magpapatalo lalo na't para sa kanyang special request. And when the two meets, their world comes slow na parang silang dalawa lang at walang taong nakapaligid.
TOP 4: Asking Tine to be Sarawat's Fake Boyfriend.
- Hinding-hindi na talaga pinalampas ni Tine ang pagkakataong na tanungin na pwede ba siyang maging Fake Boyfriend. Pero teka lang! You can tell based on Sarawat's facial reaction nung narinig niyang babae ang gusto ni Tine, Wat's heart was definitely hurt.
TOP 3: Music Club's Test at deal nina Sarawat at Tine.
- At dahil beginner pa lang si Tine sa paggamit ng gitara, forda pressure ang person para lang makapasa sa test. Pero hindi lang yan, double pressure din dahil sa deal na kung makakapasa siya, payag na si Sarawat na maging fake boyfriend ni Tine pero kung hindi, maghahanap siya. But it's all worth it. Buti na lang binigyan ng chance after na nangyaring dayaan pero kahit walang alam si Tine sa musical instruments, si Sarawat ang dahilan kung bakit niya napasok ang music. At dahil din dun, their status of their Fake Boyfriend era is ON!
TOP 2: Sarawat follows Tine's IG account during his birthday.
- At dahil kakabukas ni Sarawat ng kanyang Instagram account at bagong salta sa Social Media, tinuruan ni Tine si Sarawat kung paano magfollow ng isang IG account. Pero si Sarawat, iisang taong ang gusto niyang i-follow sa kanyang IG account at yun ay ang account ni Tine pero hindi rin alam ni Tine nung araw na pagfollow, ay mismong birthday niya! Kakilig diba?
Bago tayo pumunta sa TOP SPOT, here's some honorable mentions:
- 2Gether the Series bagged numerous award from various award giving bodies from 2020 to 2021.
- 2Gether the Series was definitely the Phenomenal BL series of Thailand for 2020.
- 2Gether the Series has the most viewed BL series on YouTube.
- Ang Thai BL Series din na ito ay simula sa paggawa ng mga BL series sa iba't-ibang bansa kasama na diyan ang Pilipinas.
- This was Bright & Win's drama debut.
- They had numerous sold out concerts and successful global fan meet.
- BrightWin hold their Virtual Media Con and Fanmeet in the Philippines.
- At una itong umere sa Pilipinas noong 2020, sa pamamagitan ng Kapamilya Channel, ang cable channel ng ABS-CBN.
And for our Top Spot...
TOP 1: Confession moment nina Sarawat at Tine.
- Nung nalaman ni Tine na nagpost si Sarawat sa kanyang IG ukol sa kanyang pag-attend ng Scrubb concert one year ago, dun na nabuo ang mga katanungan at mga nalaman niya hanggang sa pag-amin ng kanilang tunay nilang nararamdaman para sa isa't-isa.
HAAAYYYSSST~ Grabeh noh? Hinding-hindi parin mawawala ang spark kahit 4 years na nakalipas.
At sa LAST 2 WEEKS, tototohanin na ang kanilang status dahil magiging Boyfriends na sila for REAL!
Pero ang first love ni Sarawat, magbabalik! Kakayanin kaya ng ating lovebirds na malagpasan ang bawat challenges? At para kaninong kanta ang ginawa ni Sarawat? Are they having a happily ever after?
'Wag niyo na palampasin ang LAST 2 WEEKS ng 2Gether The Series, weeknights after High Street sa TodoMax Primetime Singko dito sa TV5!
Stream the uncut episodes on iWantTFC for FREE and stream their original soundtracks in various digital platforms.
Mapapanood din ang 2Gether The Series sa Kapamilya Channel at A2Z.
Visit Kapatid Insider's official social media accounts for highlights of this serye.