Inilunsad na ng TV5 sa ginanap na 2024 Q3 Trade Launch ang mga bagong programa na mapapanood sa kanilang istasyon sa huling bahagi ng taon.
Una dyan ang pagbabalik ng controversial TV host-comedian na si Willie Revillame sa TV5 sa pamamagitan ng kanyang bagong game show na "Wil to Win" kung saan pinakilala nito sina Kim Molina, Cindy Miranda, Christine Bermas at Miss Grand International 2022 5th Runner Up Roberta Tamondong bilang mga bagong co-hosts kasama ang "WIN" girls na sina Queenay Mercado, Inday Fatima at Ana Ramsay.
Mapapanood ang Wil to Win simula July 15, Lunes hanggang Biyernes, 5PM sa TodoMax Primetime Singko.
Muli ring pinakilala ni #LegitDabarkads Miles Ocampo si Princess para sa kanyang first lead role sa Kapatid morning drama na "Padyak Princess".
Kasama ni Ocampo ang mga co-stars nya na sina Joao Constancia, Jameson Blake, Kira Balinger at Gillian Vicencio.
Napapanood ang Padyak Princess mula Lunes hanggang Biyernes, 11:15AM sa Gandang Mornings block ng TV5.
Present di ang mga bituin ng teleseryeng "Lumuhod Ka Sa Lupa" na nasa bagong season na, at bagong timeslot pa.
Pinangunahan ito nina Kiko Estrada, Sarah Lahbati, Sid Lucero, Gardo Versoza, Rhen Escaño at Andrew Muhlach.
Napapanood ang bagong season ng Lumuhod Ka Sa Lupa tuwing 7:30PM mula Lunes hanggang Biyernes sa TodoMax Primetime Singko.
And the Muhlach Family are present para sa kanilang bagong sitcom, ang "Da Pers Family".
Sa pangunguna nina Aga Muhlach, Charlene Gonzales-Muhlach, Atasha Muhlach at Andres Muhlach, kasama ang kanilang co-stars na sina Bayani Agbayani, Roderick Paulate, Chad Kinis at Sam Coloso.
Mapapanood ang Da Pers Family simula July 21, 7:15PM sa Weekend Trip block ng TV5.
Mapapanood din soon sa TV5 ang iba pa nilang upcoming programa tulad ng "MissTerry: Hula Mo, Huli Ko" nina Maine Mendoza at Zanjoe Marudo at "Ang Himala ni Niño", ang spin-off ng 2021 Kapatid top-rating series na Niña Niño na pagbibidahan ni Metro Manila Film Festival (MMFF) 2023 Best Actor Cedrick Juan.