Kinumpirma ni Sen. Raffy Tulfo sa Facebook post ng "Raffy Tulfo in Action" nitong August 20, Martes na nasisante na ang Program Manager ng News5 na si Cliff Gingco.
Ito ay matapos na personal na makpag-ugnayan ni Sen. Tulfo sa TV5 Chairman na si Manny V. Pangilinan upang ibalita na natapos na ang imbestigasyon hinggil sa reklamong pamomolestiya ng Program Manager ng News5 sa isang baguhang talent.
Lumitaw sa imbestigasyon na may matibay na basehan ang reklamo laban kay Glingco kaya nagdesisyon ang TV5 na tanggalin siya sa trabaho.
Nagpadala ng liham si Sen. Tulfo kay Pangilinan ukol sa insidente para sa patas na imbestigasyon at walang mangyayaring cover-up.
Dagdag pa ni Pangilinan, ang TV5 ang magbibigay ng buong suporta sa biktima kabilang ang medical assistance, theraphy at iba pang kakailangin ito.
Nagpasalamat si Sen. Raffy Tulfo kay MVP dahil sa mabilis ng imbestigasyon at nakamit na ng biktima ang nararapat na hustisya.
Dagdag pa ng RTIA, haharapin ni Gingco ang mga kasong kriminal sa piskalya at patuloy na binabantayan para masigurado ang maayos na usad ng kaso.
Matatandaan nitong August 9 ay
nagreklamo sa programang Wanted sa Radyo ang biktima laban kay Gingco upang
humingi ng tulong na makamit ng hustisya dahil sa dinanas na sexual abuse.
SOURCE:
SOURCE: RTIA Facebook Post