Coco Martin, ayaw paawat game na game na daw sa 2022


 

How true na may mga kumukumbinse umano kay Coco Martin na tumakbo sa 2022 elections? Pinag-iisipan umano itong mabuti ng bida sa FPJ’s Ang Probinsyano.

Majority daw kasi ang nag-a-advice sa kanya na huwag pasukin ang pulitika. Pero, hindi raw makakapigil sa aktor ang payo ng mga kaibigan para tahakin nito ang pulitika. Determinado na raw kasi si Coco na i-push through ang kanyang political plans.

Isa nga raw sa mga kumukumbinse kay Coco ay ang dati niyang nakasama sa AP na si Senador Lito Lapid. Matatandaang malaki ang naitulong ni Coco kay Sen. Lito na makabalik sa Senado.

If totoo ngang eentra na sa politics si Coco, ibig bang sabihin nito ay matatapos na ang longest-running action serye niya sa ABS-CBN na Ang Probinsyano?

Marami ang nagsasabing mas marumi ang pulitika kesa sa showbiz. Maaatim ba niyang tanggapin ang mga atake ng mga kalaban kapag nasa mundo na siya ng pulitika?

Anyway, wala pa namang kumpirmasyon mula sa aktor kung tatahakin nga niya ang landas ng pulitika.

Ulat ni ni Beth Gelena - @Bulgary Files

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form