Raffy Tulfo, klinaro ang kumakalat na fake news tungkol sa kanya


Kinlaro na ng veteran TV5 anchor at tinaguriang "Idol ng Bawat Pilipino" na si Raffy Tulfo ang lahat ng isyung ipinukol laban sa kanya nitong mga nakaraang araw.

Sa episode ng kanyang radio show sa Radyo5 na Wanted sa Radyo noong September 20, Lunes, tila nagpahapyaw kasi ng suporta sa prangkisa ng embattled media giant na ABS-CBN si Idol.

Pero mas pinukol ng bashers ang "16M vs. 42M subscribers" remark ni Tulfo na tila para sa kanila, ay senyales daw na kakandidatong Vice President ang veteran anchor at kakalabanin si Pangulong Rodrigo Duterte, na nauna ng naghayag ng intensyong tumakbo bilang VP sa 2022 elections.

Dahil dito ay biglang nabawasan ng subscribers ang social media account ng Raffy Tulfo in Action.

Sa YouTube, mula 22.1M ay nabawasan ang subscribers nito sa 21.8M. Nabawasan din ang followers ng RTIA sa Facebook. 

Sa episode ng Wanted sa Radyo ngayong Lunes, September 27, nilinaw ni Idol ang mga haka-haka laban sa kanya.

Una, kinlaro ni Idol na wala siyang planong kumandidatong Vice President sa 2022 elections, aminado si Tulfo na may ilang personalidad ang naghikayat sa kanya na maging running mate nila pero tumanggi ito.

Matatandaang nitong mga nakalipas na linggo, umugong ang mga usaping kakandidato ito bilang Senador at isang Independent candidate.

Pangalawa, nilinaw na Tulfo na ang 42M subscribers na tinutukoy nito ay ang subscribers ng ABS-CBN Entertainment.

Ang tinutukoy daw na scenario ni Idol ay ang posibilidad na magbanggan ang subscribers ng ABS-CBN Entertainment at ang mga supporters ni Pangulong Rodrigo Duterte oras na magkaroon ng referendum ukol sa prangkisa ng istasyon.

  FB-IMG-1632754411322

Ang referendum na tinutukoy ni Tulfo ay kung makakalusot ang PIRMA Kapamilya, isang people's initiative na naglalayong bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN. 

Hiniling ni Tulfo na sana ay tigilan na diumano ang pagpapakalat ng maling impormasyon ukol sa isyung ito. 

Ito na rin daw ang huling beses na magbibigay ng statement ukol dito.

3 Comments

  1. balikan nalang ninyo yong live sir doon makita kong ano nasabi ninyo at kong bakit kayo tawa ng tawa ni shire ba yon..

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form