Isang empleyado, tinanggal; alegasyon sinagot ng Brightlight Productions


Sinagot na ng Brightlight Productions ang isyu tungkol sa isang empleyado nitong si Robin Sison sa programang Lunch Out Loud.

Noong Biyernes, August 6, sa isang ekslusibong panayam ng showbiz page na Philippine Entertainment Portal o PEP, ay naglabas ng kanyang reklamo si Sison ukol sa diumano'y kawalan ng due process at favoritism ng tanggalin ito sa noontime show na umeere sa Kapatid Network.

Isa si Robin sa mga taong bumuo sa naturang noontime show.

Aminado si Sison na contractual lang siya at kada-tatlong buwan ang kontrata nito.

Nito daw August 3, nalaman na lang niya mula sa supervising producer ng show na si Pat-P Daza at creative producer na si Direk Bobet Vidanes na hindi na ito kasali sa programa.

Ang dahilan daw ay ang pangha-haras nito sa hindi pinangalanang female writers ng show. Nangatok diumano si Sison sa pinto ng hotel room ng mga female writers tuwing siya ay lasing, kaya ikinatakot nila ito.

Itinanggi ni Sison ang mga akusasyon na ito. Nanindigan si Sison na kahit kailan ay hindi siya nakatanggap ng kahit na anong reklamo. 

Pakiramdam daw ni Sison ay basta lang siyang pinakawalan ng Brightlight bilang creative manager ng LOL nang hindi naman kinuha ang kanyang panig.

Sinabi rin ni Sison na prinangka siya ni Vidanes na kaya hindi na-renew ang kanyang kontrata dahil hindi daw sya anak-anakan ni Vidanes. Base raw iyan sa reputasyon ni Bobet sa ABS-CBN dati.

Bago lumipat sa LOL ay si Vidanes ang direktor ng katapat nitong programa, ang ABS-CBN noontime show na It's Showtime.

Kagaya ni Vidanes, galing din sa kampo ng ABS-CBN si Sison.

Ayon naman kay Atty. Joji Alonso, legal counsel ng Brightlight Productions ay nagsagawa sila ng malalim na imbestigasyon.

Ayon sa kanila, nakitaan ng paglabag si Sison sa RA 11313 o ang Safe Spaces Act.

Ang RA 11313 o ang Safe Spaces Act ay tungkol sa pagbibigay proteksiyon laban sa "gender-based sexual harassment in streets, public spaces, online, workplaces, and educational or training institutions."

"Brightlight has been in receipt of complaints against him for alleged acts violating the safe spaces law and abuse of authority. We diligently looked into these reports to ascertain the truth. After a thorough evaluation of the facts, Management decided to no longer renew his contract.", ayon sa pinadalang mensahe ni Alonso sa PEP.

Hindi na nagbigay pa ng ibang detalye ang Brightlight ukol sa kung ano-ano ang mga insidente ng sinasabing harassment na ipinukol laban kay Sison.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form