Dahil sa pag-ober da bakod ni Bea; ilang ABS-CBN executives, dismayado

Tila dismayado ang ilang executives ng ABS-CBN sa paglipat ni Bea Alonzo sa GMA Network.

Sa kanilang mga Twitter accounts ay nagpahayag ng pagka-dismaya sina Ethel Espiritu at ang direktor na si Erick Salud. 

Sa kanilang post, pareho nilang pinunto ang isang show na pagbibidahan ni "aktres" na nakaplano na bago pa magka-pandemic.

HOLA SCOOP: Ilang Kapamilya executives, dismayado sa biglaang paglipat ni Bea Alonzo sa ibang istasyon kahit na...

Posted by HOLA on Thursday, July 1, 2021

Ang tinutukoy nila ay ang teleseryeng "Kahit Minsan Lang" na pagbibidahan dapat nina Bea Alonzo, Richard Gutierrez, Rafael Rosell, Jameson Blake at Christian Bables sa ilalim ng Star Creatives. 

Ngunit shelved na ang proyekto matapos umatras ni Bea dahil daw sa ilang restrictive scenarios sa shooting dala na rin ng COVID-19. (Rob Caluag, Kapatid)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form