Mga artistang nanatili bilang Kapamilya, hindi mauuwi sa wala – Katigbak

Siniguro ni ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak na hindi mauuwi sa wala ang desisyon ng ilan sa malalaking artista nito na manatili sa Kapamilya Network sa kabila ng kawalan ng prangkisa.

Ilan sa mga ito ay 2 sa pinaka-sikat na loveteam sa bansa, ang reel and real life couples na sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, at sina Liza Soberano at Enrique Gil.

Pagsisiguro ni Katigbak, makakuha sila ng "best roles" sa mga programang kanilang gagawin.

Ito rin daw ang maaasahan ng iba pang big stars ng ABS-CBN tulad nina Vice Ganda, Angel Locsin, Coco Martin, Judy Ann Santos-Agoncillo at iba pa.

Simula nang mawalan ng prangkisa, ilang personalidad na ng ABS-CBN ang lumipat sa ibang istasyon. Tulad nina Bea Alonzo, Beauty Gonzalez, Richard Yap, Pokwang, Khalil Ramos at Johnny Manahan na nasa GMA-7 na, at Ted Failon at Czarina Guevarra o mas kilala bilang si DJ Chacha na nasa poder na ng TV5, samantalang si Maja Salvador ay kasalukuyang gumagawa ng mga proyekto sa Kapatid Network bagaman wala itong exclusive contract sa istasyon.

Nang matanong naman kung ano ang mangyayari sa ABS-CBN sa susunod na limang taon matapos pagkaitan ng prangkisa, sinabi ni Katigbak na magfo-focus ang kompanya sa storytelling at content creation. 

2 Comments

  1. Mr. Katigbak pwede bang palitan nyo na ung FPJ ni coco, magpahinga naman sya ako napapagod eh. Bigyan naman ng chance ung ibang mga actors. Kaya si Echo nag US na lng eh.

    ReplyDelete
  2. SHARON CUNETA deserves a good material dit doe a Queen and Icon like her.

    ReplyDelete
Previous Post Next Post

Contact Form