Viva TV, nakatakdang magpalit anyo bilang VivaCinema


Ngayong Agosto, may bagong tahanan na ang mga paborito ninyong classic Filipino films mula sa VIVA Films. 

Matapos i-anunsyo ng VIVA Entertainment sa pamamagitan ng kanilang Facebook post ang pag-lunsad ng pinaka-bagong 24 hour movie channel na maghahatid sa inyo ng mga dekalibreng mga pelikula mula sa VIVA. 

Ang VIVACINEMA ay nagsimula umere sa Pay TV February 1, 2009 na siya ring araw kung kailan nilunsad ang Cignal Digital TV.

Noong July 16, 2012; ito ay nag rebrand bilang isang general entertainment channel at tinawag itong VIVATV. Ilan sa mga programa nito ay mga original produced shows tulad ng Popstar Diaries kasama si Sarah Geronimo, #JADINE, ANNEBishowsa, atbp.

At ngayong Agosto, ito ay magbabalik sa kung saan sila nagsimula.

Ang VIVACINEMA ay siyang papalit sa VIVATV na isang General Entertainment Channel simula ngayong Agosto at mapapanood lang exclusive sa Cignal TV Channel 42 at sa Cignal Play para sa Premium subscribers.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form