Raffy Tulfo, magpapaalam na sa mga programa sa telebisyon; tatakbong senador


Magpapaalam na ang veteran broadcaster na si Raffy Tulfo sa kanyang mga programa sa radyo at telebisyon.

Ngayong Oktubre 1, nakatakdang magtapos ang kanyang hit public service program na Idol in Action, na tumagal ang higit isang taon.

Sa unang linggo naman ng Oktubre, goodbye narin si Tulfo sa kanyang programang Wanted Sa Radyo, makaraan ang halos isang dekada.

Magpapaalam narin si Tulfo sa Frontline Pilipinas, makaraan naman ang isang taon.

Ayon naman sa isang source, naghahanap si Raffy ng paraan para manatili sa telebisyon ang isa sa kanyang tatlong programa habang wala siya at abala sa pangangampanya.

Nakasaad sa Omnibus Election Code of the Philippines na bawal sa mga kandidatong mapanood sa telebisyon kapag nakapaghain na sila ng certificate of candidacy, mula October 1, 2021 hanggang October 8, 2021.

Nakatakdang mag-file ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Raffy Tulfo para pagkasenador sa Eleksyon 2022, ayon sa mga source.

Pero hindi pa ibinabahagi ni Raffy sa publiko ang kanyang mga plano.

Inaasahang mapapasama ang veteran broadcaster sa senatorial lineup ng Lacson-Sotto tandem.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form