TV5, nakasungkit ng 4 awards sa Asian Academy Creative Awards


Kahit sino ka pa, talagang masasabi mong IBA sa 5. 

Nakasungkit ng 4 parangal mula sa Asian Academy Creative Awards ang TV5.

Itinanghal ang TV5 drama series na Niña, Niño bilang national winner sa kategoryang Best Drama Series, samantalang national winner naman sa kategoryang Best Actress ang leadstar nitong si Maja Salvador.

Ang singing-reality competition na Sing Galing naman ang national winner sa kategoryang Best Non-scripted Entertainment. 

Nakakuha din ng parangal ang ilang shows ng ABS-CBN Entertainment na umere at kasalukuyang umeere sa Fastest-growing TV Network ng bansa.

Itinanghal na national winner sa Best Supporting Actor at Actress Category sina Nonie Buencamino at Sylvia Sanchez para sa Huwag Kang Mangamba, at Best Actor naman si JM de Guzman para sa Init sa Magdamag.

Ang IBA sa 5 campaign na inilunsad ng TV5 noong Mayo ang national winner para sa kategoryang Best Promo/Trailer.

Sa kasalukuyan, lagpas 2M na ang views nito sa lahat ng social media platform.

Patunay lang ito na magmula noon hanggang ngayon, ang TV5 ang pinaka-masayang tambayan ng bawat Pilipino.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form