Raffy Tulfo, pormal nang naghain ng kanyang coc para sa pagka-senador


Kasado na ang kanyang planong pag-biyahe mula radyo papuntang Senado.

Ngayong araw, October 2 ay pormal nang naghain ng kanyang Certificate of Candidacy o COC sa pagka-Senador ang veteran TV5 anchor Raffy Tulfo. 

Si Tulfo ay kakandidatong Independent candidate.

Sa kanyang talumpati ay iginiit ni Tulfo na kanyang itutulak ang mga batas na makakatulong sa mga tao katulad daw ng labor issues at para sa mga OFW.

Inamin daw ni Tulfo na in-offeran siya ng ilang pulitiko na sumama sa kanilang senatorial slate katulad ng tambalan nina Senador Ping Lacson at Senate President Tito Sotto, at nina Senador Manny Pacquiao at dating Manila Mayor at Buhay Party-list Rep. Lito Atienza ngunit tinanggihan niya ang mga ito.

Sa huling survey ng Pulse Asia, si Tulfo ang top choice ng mga botante sa pagka-Senador.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form