Pamasahe ng pamilya ni Hidilyn patungong Metro Manila, sagot na ni MVP


Nakausap na ni PLDT at TV5 Chairman Manny V. Pangilinan ang Tokyo 2020 Olympics gold medalist Hidilyn Diaz.

Ayon sa artikulo isang artikulo, tumagal ng isang oras mula 5-6PM ang kanilang naging virtual call.

Nagbigay-pugay ang MVP Group of Companies kay Hidilyn sa tagumpay na naibigay nito sa bansa.

Tinanong din ni MVP kung ano ang gustong hilingin ni Hidilyn, ngunit pasasalamat lang ang ibinigay ni Hidilyn sa grupo ni MVP at sa mga tulong na naibigay nito.

Pero binanggit nito na gusto nya nang makasama ang pamilya nya na di nya nakasama sa mahabang panahon dahil sa COVID-19 Pandemic.

Plano ni Hidilyn dapat umuwi sa probinsya nito sa Zamboanga sa August 7 upang makapiling muli ang pamilya ngunit hindi ito tiyak dahil sa patuloy na pagkalat ng delta variant ng COVID-19.

Ayon kay News5 Chief Luchi Cruz-Valdes, sagot na daw ni MVP ang pamasahe ng pamilya ni Hidilyn upang makaluwas sa Metro Manila at makasama si Hidilyn.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form