Julia Montes, sasabak sa FPJ's Ang Probinsyano; Coco-Julia balik tambalan


Inanunsyo na ng Dreamscape Entertainment na kasama na sa cast ng ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano ang aktres na si Julia Montes.

Ayon sa Dreamscape, si Julia ang magiging bagong leading lady ng bida nitong si Coco Martin. Ironically, si Julia ang rumored girlfriend ng aktor.

Matatandaang nitong linggo lang inanunsyo ng ABS-CBN ang pag-alis ni Jane de Leon sa Probinsyano upang gawin ang Pinoy iconic superhero na si Darna ngayong Setyembre. Si Jane ang gumaganap sa papel ni Capt. Lia Mante.

Patuloy na mapapanood ang maaksyong eksena sa longest-running teleserye ng bansa na umeere na ng halos 6 na taon, ang FPJ's Ang Probinsyano, gabi-gabi, 8PM sa Todomax Primetime Singko ng TV5, at sa iba pang platforms ng ABS-CBN Entertainment sa free TV, cable at online. 

Available din ang past at advance episodes nito sa streaming platforms na IWant TFC at WeTV IFlix.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form