PBA, planong ituloy ang liga sa Batangas dahil sa nakatakdang pagbabalik-ECQ ng NCR


Plano ngayon ng pamunuan ng Philippine Basketball Association o PBA na ituloy sa probinsya ng Batangas ang liga.

Ito ay makaraang ianunsyo ngayong araw ng pamahalaan na simula August 6 hanggang 20, babalik sa mas mahigpit na Enhanced Community Quarantine o ECQ ang Metro Manila.

Ayon kay PBA Commissioner Willie Marcial, nagpadala na sila ng liham sa Department of Health o DOH upang pahintulutan silang ilipat ang liga sa probinsya sa isang semi-bubble setting.

Pinupuntirya ng PBA ang Lipa, Batangas.

"We're still waiting for their answer," ani Marcial.

Sa kasalukuyan, ginagawa ang mga laro sa Ynares Sports Arena sa Lungsod ng Pasig.

Matapos ang makailang ulit na delay, nagsimula uli ang bagong liga ng PBA noong July 16.

Plano ng liga na matapos ng mas maaga, ang target date nila ay Setyembre. Sa August 27 naman nakatarget ang pagtatapos ng elimination run. 

Napapanood ang mga laro ng PBA sa TV5 at One Sports sa free TV at digital boxes, PBA Rush sa cable at available naman ang livestreaming sa Smart Sports at Puso Pilipinas sa FB na available lang sa Pilipinas.

Ang livestreaming ng TV5, One Sports at PBA Rush ay available sa Cignal Play App.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form