Raffy Tulfo, gorabels na sa pagtakbo bilang senador

Nilinaw ng aming insider sa TV5 na Senador ang pwestong tatakbuhan ng veteran anchor na si Raffy Tulfo, at hindi bilang Vice President ni Sen. Manny Pacquiao.

Ito raw ang sinabi ni Tulfo nang magpaalam ito sa management ng TV5 at hingin ang basbas ng Kapatid Network.

Tiniyak daw ng TV5 na suportado nila si Idol sa plano nito sa 2022 elections.

  FB-IMG-1632754411322


Inaasahan daw na magfa-file ng kanyang Certificate of Candidacy o COC si Idol bago ang deadline sa October 8, bilang isang Independent candidate.

Kung matatandaan, may lumulutang na balitang maaaring si Raffy umano ang maging bise-presidente ni Senator Manny Pacquiao pagkatapos magdeklara ng kandidatura ng Pambansang Kamao sa ginanap na PDP-Laban meeting nitong nakaraang araw.

Noong mga nakaraang buwan, sinabi ni Tulfo na wala siyang balak na sumabak sa pulitika, pero tila nagbago bigla ang ihip ng hangin sa kilalang "Hari ng Public Service". 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form