'Masked Singer Pilipinas,' magbabalik sa January 2022


Handa ka na bang muling makihula kung sino ang artista sa likod ng maskara?

Muling magbabalik sa January 29, 2022 ang hit Kapatid show na "Masked Singer Pilipinas".

Ang MSP ay isang reality singing competition na joint venture ng Viva Television ng Viva Entertainment at TV5.

Ito ay ang Philippine franchise ng sikat na US-based reality singing competition show na Masked Singer.

Unang umere ang MSP noong October 24, 2020 bilang isa sa mga bagong handog ng TV5 sa muling pagbabalik ng kanilang entertainment programs sa Kapatid Network, at nagtapos noong December 26, 2020.

Mananatiling host nito ang Lunch Out Loud main host na si Billy Crawford, samantalang mananatiling judges sina Aga Muhlach, Cristine Reyes, Kim Molina, at Matteo Guidicelli at isang bagong hurado ang dapat abangan.

Si Daryll Ong ang itinanghal na grand winner ng 1st season ng Masked Singer Pilipinas na may sampung contestants.

First runner-up si Katrina Velarde at second runner-up si Carlyn Ocampo.

Dapat ding abangan ang labing-anim (16) na contestants na magsasagupaan simula sa Enero.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form