Nash Aguas, nagbabalak pumasok sa mundo ng pulitika


Nitong Martes, nanumpa ang aktor na si Nash Aguas sa Lakas–Christian Muslim Democrats (Lakas-CMD), at nagpahiwatag na papasok sa mundo ng pulitika.

Ang panunumpa ng 22-year old na aktor ay kinumpirma at inanunsyo ng Bise Alkalde ng Cavite City na si vice mayor Denver Chua.

Sa kasalukuyan, wala pang kumpirmasyon ang mga haka-haka na papasukin ni Aguas ang mundo ng Pulitika.

Si Nash Aguas ay kasama sa teleseryeng "Huwag Kang Mangamba," kung saan gumaganap siya bilang si Apollo.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form