Raffy Tulfo, magiging VP daw ni Pacquiao; ba-bye na sa TV5


Pinatotohanan ng isang insider na nagsabing nakipag-usap na raw si Tulfo sa TV5 management para saglit na iwanan ang tatlo nitong programa — ang newscast na Frontline Pilipinas at ang mga public service programs na Idol in Action at Wanted upang sumabak umano sa Pulitika.

Bawal kasi sa mga tatakbong kandidato ang mag-maintain ng programa habang kasagsagan ng election campaign.

Nakasaad sa Omnibus Election Code of the Philippines ang pagbabawal sa mga kandidatong mapanood sa TV kapag nakapaghain na ng Certificate of Candidacy mula October 1 hanggang October 8, 2021.

Kaya naman, may lumulutang na balitang maaaring si Raffy ang maging bise-presidente ni Senator Manny Pacquiao pagkatapos magdeklara ng kandidatura ng Pambansang Kamao sa ginanap na PDP-Laban meeting nitong nakaraang araw.

Kung hindi magbabago ang plano, malamang na ang pagkandidato sa pagka-senador ang puntiryahin ng popular broadcast journalist. Pero hindi pa ibinabahagi ni Raffy sa publiko ang kanyang mga plano.          

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form