‘Idol In Action’, huling serbisyo na ngayong Biyernes!

Matapos ang isang taong serbisyo publiko, magtatapos na ang hit public service program na “Idol In Action”.

Ngayong araw, mismong si Raffy Tulfo ang nagkumpirma na matatapos na ang nasabing programa.

Pinaliwanag naman ni Tulfo ang dahilan ng pagtatapos nito: “Well, nais ko din pong dugtungan na 'yung Idol in Action, hindi po sinisibak. Hindi po, hindi po ganon. Hindi po sinisibak, hindi po sinarado dahil hindi na kumikita, no. In fact, revenue generating po ang Idol in Action at okay naman po 'yung mga commercials namin, okay naman po yung ratings kahit papaano. Ahm, ako po ang umaatras sa show, as simple as that. So, friday abangan nyo po 'yung aming last episode at masisiyahan at matutuwa po kayo dahil marami kaming mga sorpresa,” pahayag ni Idol Raffy Tulfo.

Unang umere ang Idol in Action noong June 8, 2020 sa TV5 at One PH. Sa nasabing programa, marami ang nabigyan ng solusyon at naayudahan dahil kay Idol Raffy Tulfo.

Sa Oktubre 1, 2021 na ang last airing ng Idol In Action.

Tila pahiwatig na ito ng pagtakbo ni Tulfo sa pagkasenador sa Eleksyon 2022, ang batikang brodkaster ay hinihikiyat ng tambalang Lacson-Sotto na sumama sa kanilang senatorial lineup. 

Inaasahan daw na magfa-file ng kanyang Certificate of Candidacy o COC si Tulfo bago ang deadline sa October 8.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form