Kuya Kim Atienza, binasag na ang pagiging Kapamilya, Kapuso na!


Malapit nang inanunsyo ni Kim Atienza ang kanyang pagtalon mula sa Kapamilya network patungong Kapuso network.

Si Kim Atienza, five shows raw agad ang offer ng GMA Network sa kanya at kung anong mga show ito, malalaman kapag natuloy siyang lumipat.

Taong 1987 ng nagumpisa si Kuya Kim sa telebisyon sa RPN-9. Noong 2005, naging resident weatherman siya ng TV Patrol, ang news program ng ABS-CBN. Siya ang naging kapalit ng pumanaw na si Ernie Baron.

Inalala ng netizens ang interview ni the late Ricky Lo kay Kim just last year, kung saan, napag-usapan ang ABS-CBN. Sa nasabing interview, nagpahayag ng loyalty sa network si Kim kahit walang franchise. Sabi nito, mananatili siyang Kapamilya hanggang sa huli niyang hininga. Pero tila mababasag na ito.

Sa Biyernes, nakatakdang iaanunsyo ni Kim Atienza ang kanyang pag-alis sa ABS-CBN sa TV Patrol.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form