Gotham at Sari-Sari Original Telemovie magbabalik sa TV5

 


Gotham muling magbabalik, Sari-Sari Original Telemovie hahalili sa dating timeslot ng Rated Korina.

Dahil season break muna ang Wanted: Ang Serye hindi muna ito mapapanood at papalitan muna ng nagbabalik na Gotham.

Simula May 8, 10PM, mapapanood nang muli sina Detective James Gordon at Bruce Wayne sa ‘Gotham.’ 

Una ng umere ang Gotham noong July 2020 sa TV5 kasabay ng mga bagong programa noon sa singko na Marimar, Furious Fire, Legends of Tomorrow, Betty sa NY at Tierra De Reyes. 

Samantala, sa dating timeslot ng Rated Korina papalitan ito ng "Sari Sari Original Telemovie" unang umere na noong May 1, Sabado ang Kuya & Me kaya, dito nabigla ang mga viewers ng Rated Korina dahil wala na ito sa ere ngunit paglilinaw ni Korina season break lang naman ito. 

Ngayong sabado naman May 8, beauty believes na ang love dapat hinahanap kaya naman masipag siya to look for her Mr. Right sa app na FINDear, while Baste believes otherwise. Ang love daw ay dapat hinihintay.  

As Beauty pursues her journey to find her one true love; Baste on the one hand will eventually realize that Beauty is his one true love that he’s been waiting for. Sa patuloy na pagkrus ng kanilang prinsipyo sa love, may chance kayang mahanap nila ang isa't isa?

Pinagbibidahan ito nina Donnalyn Bartolome bilang Beauty at Akihiro Blanco bilang Baste.

Mapapanood ang Frenemies in Love, ngayong Sabado na 4PM sa TV5!


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗜𝗱𝗼𝗹, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿





Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form