ON THIS DAY: Sinabi noon ni MVP walang paguusap sa pagitan ng Lopez-led network

 

Isang araw matapos magpaalam sa free TV at radio ang ABS-CBN dahil sa ceast-and-desist order na ibinaba ng National Telecommunications Commission o NTC, tahasang sinabi ni PLDT and TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na walang paguusap sa pagitan ng Lopez-led network at ng Pangilinan-led network ukol sa posibleng blocktime agreement sa pagitan ng dalawang kompanya.

"There has never been any discussion in that regard. It's something that's not on our minds," sagot ito ni MVP sa mga artikulo noon na diumano'y sinabi nya na bukas ang TV5 na rentahan ng ABS-CBN.

Noong December 2019, nanindigan din si MVP na "TV5 is not for sale", ito ay matapos lumabas ang ilang artikulo na nagsasabing planong bilhin ng mga Lopez ang TV5 oras na hindi nga bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Sa kasalukuyan, 6 na shows mula sa ABS-CBN ang umeere ngayon sa TV5. Noong January 24 ay umere sa TV5 ang ASAP Natin 'To! at FPJ: Da King.

Matapos ang humigit kumulang 2 buwan, umere na rin sa TV5 ang apat na teleserye sa Primetime Bida block ng ABS-CBN, kabilang na ang top-rating at longest running action teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗥. 𝗖𝗮𝗹𝘂𝗮𝗴, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form