Baron, sinurpresa sa kanyang kaarawan; “Di Na Muli” mapapanood soon sa TV5


Pinasalamatan ni Baron Geisler ang kanyang mga kasamahan sa bagong aabangang teleserye ng TV5 na “Di Na Muli.” 

Kwento ni Geisler, sinurpresa daw siya ng mga kasamahan niya sa nasabing aabangang teleserye.

“Thanks so much to my Viva Artist Agency family to the prod and cast of Di Na Muli for this surprise birthday greeting.,” ani ni Geisler.

Ginawan pa umano siya ng mga ito ng isang prod number, na kung saan kinantahan siya ng mga ito ng 'birthday song.'

“Kahit mainit e naisipan pa nilang gumawa ng prod number birthday song.,” saad ng aktor.

“This means so much to me. Feeling the love on and off set. Praise God and thank you Lord.,” dagdag pa ng aktor.

Mapapanood ang “Di Na Muli” soon TV5 kung saan kabilang dito si Baron Geisler, Marco Gumabo, Marco Gallo at kabilang din dito ang aktres na si Julia Barretto.

Ang nasabing teleserye ay produkto ng Viva Artist Agency. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form