FPJAP, patuloy ang bagsik sa Online at Free TV; online views naitala ang record high

Patuloy na pinapakita ng teleseryeng "FPJ's Ang Probinsyano" ang bangis nito, mapa online o free TV.

Patuloy na binabasag ng Coco Martin-starrer ang sarili nitong records sa Kapamilya Online Live. Nitong June 2, nakapag-tala ng mahigit 145K concurrent views ang teleserye.

Unti-unti na ring bumabalik ang lakas ng Probinsyano sa free TV. Ayon sa AGB Nielsen Philippines, nasa 10-12% ngayon ang ratings ng teleserye na umeere sa 2 free TV channels, ang A2Z at TV5 gayundin sa cable TV tulad ng Kapamilya Channel.

Isa sa itinuturong dahilan kung bakit mataas ang ratings ng Probinsyano ay ang pag-ere nito sa TV5 na may kakayahang mapanood sa buong bansa, gayundin ang malakas na showing ng Niña Niño, ang sariling teleserye ng TV5 na pre-programming ng Probinsyano sa Kapatid Network.

Malakas din ang performance ng teleserye sa streaming platforms na IWant TFC at WeTV IFlix.

Mas magiging kaabang abang pa ang FPJ's Ang Probinsyano mamaya dahil tila may pahiwatig na may isang karakter ang mawawala sa programa. Sino kaya? Abangan.

Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi, 8PM sa Todomax Primetime Singko ng TV5. Napapanood din ito sa iba pang platforms ng ABS-CBN Entertainment tulad ng A2Z Channel 11 sa free TV at Kapamilya Channel at CineMo sa cable. Gayundin sa Kapamilya Online Live, IWant TFC at WeTV IFlix.

Mapapanood din ng mga Kapatid natin sa ibang bansa ang FPJ's Ang Probinsyano sa TFC, The Filipino Channel.

- ulat ni R. Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form