TV5 DTT sa Cebu malapit ng masilayan


Noong Hunyo 14, 2021 Ang koponan ng TV5 Engineering ay nag-install ng DTTB antena sa kanilang Quiot, Pardo, Cebu City tower. Ang pag-upgrade ay pinamunuan ng kanilang Engineering Head na si Rodrigo V. Carandang.

Mas maaga sa taong ito, inihayag ng Pangulo ng TV5 na si Robert Galang na papabilisin nila ang pagbuo at pag-upgrade ng kanilang mga pasilidad sa digitalisasyon sa pakikipagtulungan sa Cignal ngayong ika-3 at ika-apat na kwarter ng 2021.

Kapag nasubukan ng TV5 ang kanilang digital broadcast ay magsasama ito ng 3 subchannel / program na TV5, One Sports at One Ph. Isang Perpektong karagdagan sa mga programang digital sa PTV, GMA at BEAM.

Noong Mayo 2021, inilunsad ng TV5 ang kanilang station ID na "IBA sa 5" na nagpapakita ng malawak na pagpipilian sa mga programa sa TV5 mula sa iba`t ibang mga content provider sa bansa na kasama ang ABS-CBN Entertainment.

Kaya mga Kapatid sa Cebu, abangan dahil malapit nang masilayan ang TV5 sa iyong mga set-up boxes o DTT Devices. (ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form