Dahil sa magulong iskedyul, PBA fans todo ang galit

Mga fans ng PBA, nagalit sa PBA gayundin sa TV5 at One Sports dahil iba ang palabas imbes na live basketball.

Maraming mga fans ng PBA ang naglabas ng hinanaing sa liga dahil sa magulong schedule ng One Sports na nilabas nila ngayong araw, Sabado.

Dapat sana ay eere ang PBA ngayong Sabado sa One Sports sa Free TV, pero dahil opening ceremony ng Premier Volleyball League o PVL ay mas binigyan muna ito ng importansya na i-ere sa nasabing TV channel.

Matatandaang nagreklamo na noon si Idol Raffy Tulfo sa pamamagitan ng kanyang programang "Idol in Action" patungkol sa pabago-bagong schedule ng ilang mga programa ng TV5 kasama na ang programa niya. 

Hindi na rin bago ito dahil ilang beses na rin nangyari ang pagbabago sa schedule ng ilang mga programa ng TV5.

Kami po sa Kapatid Insider ay nanawagan din na sana ay hindi na maulit ito. Para sa mga viewers na nakasubaybay sa inyo.

Para sa TV Network na patuloy na nangunguna sa ere. Para sa istasyong nagbibigay ng mga kakaIBAng programa para sa mga Pilipino.

Patuloy na mapapanood ang PBA Games tuwing Wednesday, Friday at Sunday live sa TV5. Samantala, sa One Sports mapapanood ang mga PBA Games tuwing Wednesday at Friday sa ganap na 12:30 ng tanghali.

Lahat naman ng laro ng liga ay mapapanood sa PBA Rush Cignal TV channel Channel 90 (SD) at Channel 260 (HD).

May livestream din sa Cignal Play App at TrueID Philippines app and website.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form