Kilalanin si Empoy!


Sino nga bang di matatawa sa mga banat nya? Sino bang di kikiligin kapag kasama nya si Niña?

Pero sa likod ng mga papel na kanyang ginampanan, sino nga ba sya sa likod ng camera? At paano nga ba sya nagsimula?

Sa isang bayan sa Baliuag, Bulacan noong July 3, 1981 ay ipinanganak si Julius Erman Ramos Marquez, ang pinakamatanda sa 7 magkakapatid. Mayron itong college degree sa Mass Communication at sa isang interview ay nasabi nito na minsan nitong pinangarap maging disc jockey o DJ.

Una itong nakilala noong 2003 nang manalo ito sa Mr. Suave look-alike segment ng Magandang Tanghali Bayan, ang noontime show ng ABS-CBN. Maliban sa premyong nakuha, napasama din ito sa pelikula ng TV-host at dancer na si Vhong Navarro na "Mr. Suave" ng Star Cinema ng parehong taon.

Mula 2003-2007 ay nasa Star Magic ng ABS-CBN si Empoy. Taong 2008 ng mangibang bakod ito at lumipat sa noo'y newly rebranded TV5. Sa kaparehong panahon ay nakakasama na sya sa ilang TV series at pelikula bilang nakakatawang sidekick.

Mas nakilala lalo ng madla si Empoy sa comedy gag show ng TV5 na Lokomoko mula 2008-2013, ang itinuturing na top-rating comedy show ng Kapatid Network.

Gumanap din ito sa weekly comedy fantasy show ng istasyon na Kapitan Awesome noong 2012, at kasama pa rin sa gag show na Tropa Mo Ko Unli! mula 2013-2015. Itinuturing ng komedyante na isa sa biggest breaks nya ang comedy sitcom na Mac & Chiz kasama si Derek Ramsay noong 2015.

Noong 2017, nakuha ni Empoy ang pinaka-biggest break nito dahil sa independent film na "Kita Kita" kasama si Alessandra de Rossi na kumita lang naman ng P320M, ang itinuturing na highest grossing Independent film of all time.

Muling bumalik sa Kapatid Network ngayong 2021 sa pamamagitan ng drama series na Niña Niño na pinagbibidahan nina Maja Salvador at Noel Comia, Jr. sa ilalim ng direksyon ni Thop Nazareno.

Ginagampanan ni Empoy si Gardo, na isa sa mga residente ng Sta. Ynez na kalaunan ay mahuhulog ang loob kay Niña.

Napapanood ang Niña Niño tuwing Lunes, Martes at Huwebes, 7:15PM bago mag FPJ's Ang Probinsyano sa TV5.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form