Mga bituin ng TV5, ABS-CBN, sanib pwersa sa pagbati ng ‘happy birthday’ kay MVP


Sanib-pwersa ang mga news personalities, PBA players at mga bituin ng TV5 at ABS-CBN sa pagbati sa kaarawan ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na i-napload ng News5 Everywhere sa kanilang YouTube channel.

Sa hanay ng news personalities, kabilang sa mga bumati ay sina Frontline Pilipinas anchors Raffy Tulfo, Cheryl Cosim at Gretchen Ho, Frontline sa Umaga anchors Marga Vargas at Paolo Bediones, News5 head Luchi Cruz-Valdes at ilang crew ng News5.

Binati din si MVP ng mga manlalaro ng PBA na sina Kiefer Ravena, Kevin Alas, Jericho Cruz, Larry Fonacier at Anthony Semerad.

Binati din ng mga bituin ng TV5 ang boss ng Kapatid Network. Ito ay sina Maine Mendoza, DJ Loonyo at Kayla ng POPinoy; Billy Crawford ng Lunch Out Loud at The Wall Philippines; Noel Comia Jr., Empoy Marquez at Maja Salvador ng Niña Niño at ang cast ng Sing Galing.

Kahit nasa poder na ng GMA Network, binati pa din ng komedyanteng si Pokwang si MVP at maski ang YouTube sensation na si Ivana Alawi.

Bilang pasasalamat sa pagpapatuloy sa mga Kapamilya shows sa TV5, binati rin ng mga bituin ng ABS-CBN si MVP sa importanteng araw na ito. Ito ay sina Gerald Anderson, Yam Concepcion at JM de Guzman ng Init sa Magdamag; Kyle Echarri, Francine Diaz, Andrea Brillantes at Seth Fedelin ng Huwag Kang Mangamba; John Arcilla, Rowell Santiago, Jaime Fabregas at Coco Martin ng FPJ's Ang Probinsyano; Erik Santos, Gary Valenciano at ang mag-asawang Ogie at Regine Velasquez-Alcasid ng ASAP Natin 'To!.

Ngayong araw ay nagdiriwang ng kanyang ika-75 kaarawan si MVP. (Rob Caluag, Kapatid Insider)



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form