'Niña Niño,' may season 2 pa

Dahil sa patuloy na pagtangkilik sa “Niña Niño” magkakaroon pa ito ng season 2.

Sa kasalukuyan, consistent sa 4% pataas ang nasusungkit na ratings ng “Niña Niño,” maganda rin naman ang nagiging feedback nito sa mga manonood.

Ang taping sa season 2 ng nasabing teleserye ay nagsimula na, na kinumpirma naman ng Direktor nito na si Direk Thop Nazareno.

Kapanabik-nabik naman ang nagiging kaganapan ngayon sa “Niña Niño” nitong Biyernes, tila naalala na ni Lola Belen (Ruby Ruiz) ang kanyang apong si Niña (Maja Salvador). Kaya tuluyan na nga bang maala ni Lola Belen si Niña? 'yan ang dapat abangan.

Sa kabila ng tila naalala na ni Lola Belen (Ruby Ruiz) si Niña (Maja Salvador) dito naman namumbalik ang determinisyon ni Niño (Noel Comia Jr.) na bumalik sa pang-gagamot.

Mapapanood ang “Nina Niño” Lunes haggang Biyernes 7:15 p.m sa TV5, may catch-up airings naman sa Colours Cignal TV CH 202 HD, 60 SD tuwing 8:45 p.m.

Maari rin naman itong mapanood sa papamigitan ng Cignal Play App kung saan maari mo ring mapanood ang na-missed mong episode ng ”Niña Niño”. (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form