Olympic bid ng Gilas tinapos ng Dominican Republic sa OQT


Tuluyan nang nagtapos ang krusada ng Gilas Pilipinas para makapasok sa Olympics.

Ito ay matapos tambakan ng 27-puntos ng Dominican Republic ang Gilas sa ikalawang laban nito sa FIBA Olympic Qualifying Tournament na ginaganap ngayon sa Serbia.

Na-exposed sa laro ang kakulangan ng karanasan ng mga mas batang manlalaro ng Pilipinas na nagtala ng 23 turnovers sa 94-67 blow out loss.

Gilas Pilipinas’ 🇵🇭 valiant effort against Dominican Republic 🇩🇴 was not enough to advance to the semifinals of the FIBA...

Posted by One Sports on Thursday, July 1, 2021

 

Maganda pa ang nilaro ng Gilas sa unang dalawang quarter at sa katunayan lamang pa ito 45-41 sa unang bahagi ng 3rd period.

Subalit bago magtapos ang ikatlong yugto ay nagpakawala ng 24-6 run ang Dominican Republic sa pangunguna nina Victor Liz at Gelvis Solano.

Nanguna para sa Pilipinas si Jordan Heading na may 16 points at 3 assists habang 10 puntos ang naibigay ni naturalized player Angelo Kouame at 8 points mula kay Kai Sotto.

Samantala makakasama naman ng Serbia at Dominican Republic sa semifinals ang mga koponan ng Italy at Puerto Rico.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form