Upang maabot ang mas maraming manonood; Cinema One at MYX nasa Cignal na


Dalawa sa mga pay TV Channels ng ABS-CBN ang naa-access ngayon ng mas maraming mga Pilipino sa buong bansa nang magsimulang ipalabas ang Cinema One at MYX sa Cignal noong Hulyo 1.

 

AWESOME NEWS TO ALL OUR CIGNAL SUBSCRIBERS! You can now watch Cinema One (Ch. 45) and MYX (Ch. 150) FOR FREE* on Cignal...

Posted by Cignal TV on Wednesday, June 30, 2021
Ang tahanan ng mga Filipino blockbuster movies, ang Cinema One ay nasa Cignal Channel 45 na ngayon upang magdala ng tone-toneladang mga sariwa at klasikong pelikula sa pamamagitan ng 24/7 programs.

Para sa buwan ng Hulyo, ibat ibang pelikula ng Kapamilya ang ipapalabas sa Star Cinema Primetime ng 7 ng gabi mula Lunes hanggang Biyernes, sa nasabing channel.

Samantala, ang mga pelikula ni Coco Martin ay tuwing ika-10 ng gabi sa Friday Actions, habang ang mga pelikula ni Sarah Geronimo ay ika-5 ng hapon sa Romance Central Sundays.

Bukod dito, ang mga classics ng Comedy King Dolphy ay itatampok sa Restored Cinema tuwing Linggo ng 9 ng gabi.

Ang mga subscriber ng Cignal ay maaari ring ma-catch ang mga bagong yugto ng lingguhang entertainment magazine show na "Cinema News" ni Bianca Gonzalez tuwing Biyernes ng 9 ng gabi.

Bukod sa Cinema One, ang ibang ABS-CBN pay TV channel na mapapanood na ngayon sa Cignal ay MYX sa pamamagitan ng channel 150 upang dalhin ang pinakabagong mga music video at balita tungkol sa pinakamainit na OPM at mga international artist ngayon.

Sa nasabing music channel, ay  mapapanood ang Zild sa MYX Spotlight ngayong Hulyo pati na rin ang OPM band na The Itchyworms bilang MYX Headliner.

Maaari ring ma-catch ng mga manonood ang bagong season ng hit talk show ni Edward Barber na "Kwentong Barber," na premiering sa Hulyo 3 ng 8 ng gabi. (Jerwin Quitaneg, Kapatid Insider)

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form