‘Di Na Muli, nakatakda na sa Setyembre 18 sa TV5!


Mapapanood na ngayong Setyembre 18, Sabado ang drama series na "Di Na Muli" ng Viva Entertainment.

Ito ay pinagbibidahan nina Marco Gumabao, Marco Gallo at ang kontrobersyal na aktres na si Julia Barretto.

Ito ang unang proyekto ni Julia sa TV5 matapos  nyang lumipat sa Viva Artists Agency noong September 2020, ito ay matapos nyang kumalas sa Star Magic ng ABS-CBN.

Kagaya ng Philippine adaptation na Encounter nina Cristine Reyes at Diego Loyzaga, mapapanood din tuwing Sabado ang Di Na Muli simula September 18, sa mas maagang oras na 8PM.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form