Noemi Tesorero o mas kilala bilang si ‘Mahal’, pumanaw na


Pumanaw na ang aktres at komedyanteng si Noemi Tesorero o mas kilala natin bilang si 'Mahal', Martes, Agosto 31.

Nakilala si Mahal bilang katambal ng kapwa komedyanteng si Mura. Lumabas siya sa mga pelikula gaya ng Kokey (1997) at Mr. Suave (2003).

Kamakailan lamang ay naitampok pa s'ya sa programang Kapuso Mo, Jessica Soho ng GMA-7.

Sa isang Facebook post ng kapatid ng aktres, inihayag nito ang pagpapanaw ni Mahal.

“Ang aming kapatid na si Mahal ay pumanaw na,” pahayag ng kapatid ng aktres na si Irene Tesorero.

Ayon sa inisyal na impormasyon, Gastro at COVID-19 ang sanhi pagkamatay ng 47-anyos na komedyante ngunit hinihintay pa rin ang anunsyo at kumpirmasyon ng pamilya tungkol sa sanhi ng pagkamatay.

Kamakailan lang ay naging laman ng balita si Mahal dahil sa pagbisita niya sa dating ka-love team na si Mura, o Allan Padua sa tunay na buhay, sa probinsiya nito sa Guinubatan, Albay.

Paalam, Mahal.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form