Lovi Poe, lumundag na sa Kapamilya Network; GMA, lubos na pinasalamatan


The Guessing game is over. Dahil opisyal nang Kapamilya ang dating Kapuso Actress na si Lovi Poe.

Ngayong araw, Huwebes, Setyembre 16, pumirma ng kontrata ang aktres sa Kapamilya Network.

Ngayong araw din, nag-post ang dalaga sa Instagram at Twitter ng isang mensahe ng pasasalamat sa Kapuso Network na naging tahanan niya sa loob ng 15 years.

Ibinahagi ni Lovi sa kanyang social media followers ang isang publicity photo na kuha sa ginawa niyang drama series sa GMA, ang “Someone To Watch Over Me.”

Hindi man diretsahang sinabi ni Lovi na aalis na siya sa GMA 7, pero ang paniwala nga ng netizens ito na ang goodbye message niya para sa kanyang mother network dahil lilipat na nga ito sa ibang istasyon.

Mensahe ni Lovi, “Hindi po biro ang 15 years. I would like to thank GMA for taking a chance on this unknown dreamer; for believing in me and supporting me all these years.

Samantala, balik Kapamilya naman si Piolo Pascual at nakatakdang bumida kasama si Lovi Poe sa Philippine adaptation ng Korean hit drama series na Flower of Evil.

May mga chika naman na si Papa P umano ang dahilan kung kaya't lumundag bilang Kapamilya si Lovi Poe.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form