Raffy Tulfo, game na umano sa 2022; Pacquiao, posibleng makatambal

Desidido na daw ang veteran journalist at tinaguriang "Idol ng Bawat Pilipino" na si Raffy Tulfo na lumahok sa 2022 National and Local Elections.

Ito ay ayon kina Franco Mabanata, isang social media strategist at ang veteran columnist na si Cristy Fermin.

Sa kanyang Facebook post ay binunyag ni Mabanata na nagpunta sa bahay ni Senador Manny Pacquiao si Tulfo at parehong nagkasundo na tatakbong Senador sa senatorial slate ni Pacquiao si Tulfo. 

Pero sa parte ni Fermin, may posibilidad na magkaroon ng Pacquiao-Tulfo sa 2022 dahil posibleng Vice President na ang puntiryahin ni Tulfo, ka-tandem si Senador Pacquiao na matunog na kakandidatong Pangulo sa 2022.

Ayon din sa impormasyong nakuha ni Fermin, nagpaalam na rin daw si Tulfo sa management ng TV5 na hanggang sa katapusan na lang daw ito, pero hindi malinaw kung katapusan ng Setyembre o katapusan ng taon.

Sa ngayon, tahimik pa ang kampo ni Tulfo tungkol sa mga lumabas na impormasyon na ito.

Posibleng magkaalaman na sa October 1-8 kung saan ito ang petsa ng pagfa-file ng Certificate of Candidacy o COC.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form