Mga Pagbabago sa Radyo Singko, Ilulunsad ngayong January 23

Kasabay ng pagbabago, maglulunsad ng mga bagong programa ang Radyo Singko 92.3 News FM simula ngayong Lunes, January 23. Kumpleto sa balita, impormasyon, drama, musika, payo't musikahan, at higit sa lahat serbisyo publiko ang hatid ng totoong tunog ng serbisyo publiko.



Simula alas-4 ng madaling araw hanggang alas-12 ng hatinggabi tuwing Lunes hanggang Biyernes, siksik at liglig sa mga programa ang bagong tunog ng 92.3 FM.



  • Pagpatak ng alas-4 ng madaling araw hanggang alas-6 ng umaga, gigisingin ka ni Mon Gualvez sa balitaan at kwentuhan sa "Bangon Bayan Mon".
  • Susundan naman ng tambalang pinaka-matunog sa FM na maghahatid ng komentaryo, balitaan, musika at tawanan kasama si Ted Failon and DJ Chacha, tuwing alas-6 hanggang alas-10 ng umaga.
  • Sapul ka naman sa SA-POL TAYM tuwing alas-10 hanggang alas-11 ng umaga
  • Susundan naman ng bagong programa ni Lourd de Veyra na talaga namang mapapasabi ka ng "Sana Lourd", tuwing alas-11 ng umaga hanggang ala-una ng hapon.
  • Chikahan sa hapon with the latest in the world of Showbiz kasama si Cristy Fermin sa Cristy Ferminute tuwing ala-una hanggang alas-dos ng hapon.
  • Si Idol Senator Raffy Tulfo ang kasangga mo at tutugon sa inyong mga reklamo sa WANTED SA RADYO, tuwing alas-dos hanggang alas-kwatro ng hapon.
  • Sagot ka naman ni Cheryl Cosim sa kanyang bagong programa sa radyo na Sagot Kita tuwing alas-kwatro hanggang alas-5 ng hapon.
  • Mga balitang kinalap sa buong bansa, ihahatid sa Balita Pilipinas simula 5:00pm hanggang 5:30pm
  • Ang mga balita mula sa Frontline, ihahatid ng buong pwersa ng News5 kasama sina Cheryl Cosim at Julius Babao sa Frontline Pilipinas tuwing 5:30pm hanggang 7:00pm
  • Pagpatak naman ng 7:00pm hanggang 8:00pm, hatid nila Laila Chikadora at Stanley Chi ang magandang kwentuhan sa GOOD VIBES
  • Ang mga Yotits naman na may dalang baong kwento at kung ano-ano pa ang mga magsasama-sama tuwing 8:00pm hanggang 9:00pm sa programang Wag Po!.
  • Si Danton Remoto naman ang makaka-konek ninyo mula 9:00pm hanggang 10:00pm  sa pinakabago niyang programa na PINOY KONEK.
  • At pagpatak ng 10:00pm hanggang 12:00am, musika, kwentuhan at advise ang hatid sa atin ng nag-iisang DR. LOVE, kasama si Bro. Jun Banaag.


Lahat ng yan ay mapapakinggan niyo na simula January 23 sa bagong tunog ng Radyo Singko 92.3 News FM! Ang Totoong Tunog ng Serbisyo Publiko

Mapapakinggan din ang live audiostream ng Radyo Singko ng LIBRE sa Cignal Play.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form