JEEPNEY TRANSPORT GROUPS, NAGBABALA NG MAS MARAMI PANG RALLY LABAN SA MARCOS ADMIN KAUGNAY NG JEEPNEY PHASEOUT


Nagbitaw ng matinding babala ang ilang jeepney transport groups tulad ng PISTON laban sa administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos kung itutuloy daw nito ang planong total phaseout at franchise consolidation ng mga traditional jeepneys sa December 31.

Ayon sa mga grupong ito, magtutuloy-tuloy daw ang kanilang mga rally hangga't di pinapakinggan ng administrasyong Marcos ang kanilang hinaing.

Sa isang panayam, ine-engganyo ng grupo ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na wag nang ituloy ang planong i-phaseout ang mga jeepney. 

Matatandaan na sa plano ng gobyerno na PUV Modernization Program, mina-mandato ng gobyerno ang mga tsuper ng jeepney na magkaroon ng transition to modern jeepney na nagkakahalaga ng ₱28-million per unit. 

Ironically, karamihan ng mga jeepney transport groups ay inendorso si Marcos sa pagka-Presidente noong 2022 elections.

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form