"BOSSING" VIC SOTTO, SINAGOT ANG ILANG TANONG MULA SA MEDIA KABILANG ANG KAPATID INSIDER


Nagbigay ng isang panayam ang birthday celebrant at #EatBulagaTV5 host/producer na si "Bossing" Vic Sotto sa ilang taga-media, kabilang ang Kapatid Insider na sa kabila ng batikos na nakuha ay inimbitahan pa din ng MediaQuest Holdings upang dumalo sa enggrandeng birthday celebration ng actor-host-comedian kahapon, April 20.

Sa naturang panayam, tinanong ang komedyante ukol sa kanyang mensahe para sa mga taga-suporta nito para sa maagang selebrasyon ng kanyang 70th birthday.

"Salamat, salamat. Mahal ko silang lahat, ahm ramdam na ramdam ko yung pagmamahal nila, thank you thank you," saad ni Sotto.

Inamin din ng komedyante na nagulat ito at naluha sa inihandang surpresa ng kanyang mga anak. 

"Basta pagdating sa mga anak, may kurot eh," sagot ng 69-year old comedian. 

Nang matanong kung may plano ba itong muling sumali sa Metro Manila Film Festival lalo't 50th year na naturang film fest ngayong taon, isang salita lang ang sagot ni Sotto. 

"Secret," sabay tawa na sagot ni Sotto. 

Siniguro naman ni Sotto na ibang pelikula ang gagawin nito ngayong 2024.

Huling nakasali sa MMFF si Sotto sa kanyang 2019 box-office hit na action-comedy movie na "Mission Unstapabol: The Don Identity". 

Natanong din ang komedyante ukol sa mas umiinit na kompetisyon ng Eat Bulaga! at ng Kapamilya noontime variety show na It's Showtime.

"Alam mo, hindi kasi ako ma-social media, e, so mga nadidinig ko lang. Yun ang nagpapasaya ng araw-araw natin, e. Yung mga manonood, mga magkokontrahan, kasama sa hanapbuhay yun.", saad nito.

Dagdag pa ni Bossing, hindi nila kailanman itinuring na "kaaway" ang ABS-CBN noontime show.

"Ay, hindi. Never, never naming sasabihing kaaway. Katapat, kalaban, pero kaaway?", giit nito.

At tila may pahaging ito sa kung sino ba talaga ang kanilang kaaway. 

"Iba yung kaaway namin. Alam niyo na kung sino iyan.", patawang sagot ng komedyante.

Sa April 28 (Linggo) ang magse-celebrate ng kanyang 70th birthday ang TV comedian. 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form