BACK-TO-BACK SA UMAGA: FRONTLINE SA UMAGA AT GUD MORNING KAPATID, MAGBIBIGAY-SAYA AT IMPORMASYON SIMULA MAY 6

Makalipas ang mahigit kumulang isang taon, muling magbabalik bilang isang separate program ang maghihimay ng headlines tuwing umaga. Hatid parin ni Jes Delos Santos ang maiinit na balita mula sa Frontline kasama ang bagong mga kasangga na sina Ruth Cabal at Andrei Felix sa "Frontline sa Umaga" tuwing 8:30AM. 

Samantala, tuloy-tuloy pa rin ang Güd Vibes Kasama parin ang fave morning kasalo nyo na si Jes Delos Santos, Maoui David, Mommy Chiqui Roa-Puno at Dimples Romana, hatid ng Gud Morning Kapatid, weekdays at 9AM.

 Unang nilaunch ang Frontline sa Umaga noong May 10, 2021 sa 6AM timeslot kasama ang dating mga Kapatid na si Marga Vargas at Paolo Bediones. Wala pang isang taon ay si Gretchen Ho naman ang umupo bilang anchor noong nakaraang Feb. 7, 2022.

 Makalipas ang isang taon, pumasok na rin sa newscast si Jes Delos Santos at noong June 16, 2023 ay nagpaalam sa ere ang newscast sa dahilan na isa na silang segment sa bagong lunsad noon na morning show na Güd Morning Kapatid.
 

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form