Bagong Morning Newscast ng singko sa Lunes na!


Mapapanood na simula May 10, 2021, Lunes ang bagong kasangga sa balitaan mula sa Frontline pagsikat ng araw, ang Frontline sa Umaga.

Ang magiging anchors ng Frontline sa Umaga ay ang pagbabalik-telebisyon na si Paolo Bediones. Kasama din sa Frontline Sa Umaga na si Marga Vargas na napapanood ngayon sa Idol In Action at Clinica Flavier sa One PH.

Ang Frontline sa Umaga ay ang bagong Morning Newscast sa TV5 upang maghatid ng mahahalagang balita mula sa Frontline.

Ang huling Morning Newscast ng TV5 ay Aksyon sa Umaga hanggang sa magpaalam ito sa ere nitong November 2017 dahil sa paglipat ng mas maagang timeslot ng TV5 Kids ng 5:00am at sa pag-ere ng mga ESPN5 Morning Shows tulad ng World Of X Games at NFL.

Mapapanood ang "Frontline Sa Umaga" simula May 10, 6:00am hanggang 6:30am bago mag-Powerpuff Gurls sa TV5.


Ulat ni M. Evierett, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form