Balik TV5 na ang "The Optimum Star" na si Claudine Barretto





Ayon sa artikulo ng showbiz columnist na si Aster Amoyo, nakatakdang magbalik serye si Barretto na ipo-produce ng ABS-CBN na ipapalabas sa TV5.

Si Barretto ay unang napanood sa youth oriented show na "Ang TV" noong 1992 at nakasama rin sa comedy sitcom na "Home Along da Riles" sa ABS-CBN. Pero mas sumikat sya sa teleserye ng ABS-CBN na "Mula sa Puso" na nagtagal ng 3 taon sa ere.

Taong 2009 ng lumipat ito sa GMA Network na nagtagal lang ng humigit kumulang 3 taon.

Ilang taon matapos mamahinga sa showbiz ay muling nagbalik sa telebisyon si Barretto sa pamamagitan ng teleseryeng "Bakit Manipis ang Ulap?" na ipinrodyus ng Viva Entertainment na ipinalabas sa Kapatid Network noong 2016. Kasama nya rito sina Diether Ocampo, Meg Imperial at Cesar Montano.

Sa kasalukuyan ay talent ng ALV Talent Circuit.

Ang teleseryeng "Bakit Manipis ang Ulap?" naman ay nire-run noong nakaraang taon 2020.


— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗥. 𝗖𝗮𝗹𝘂𝗮𝗴, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿







Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form