Manny V. Pangilinan magreretiro na; Al Panlilio papalitan si MVP

 

Si Al Panlilio ay ang susunod na pangulo at CEO ng PLDT Inc, ito ang sinabi ng kasalukuyang nangungunang opisyal ng telco na si Manuel V. Pangilinan nitong Huwebes, habang naghahanda ang tycoon na magretiro.

Sa isang virtual annual stockholders' briefing, sinabi ni Pangilinan na mananatili siyang chairman ng PLDT.

Ang appointment ay napapailalim pa rin sa pahintulot ng mga shareholder, aniya.

"I will retire as president and CEO of PLDT and pass the baton over to Al [Panlilio] so I will stay as chairman, of course, subject to shareholders’ consent to do that," saad ni Pangilinan.

— 𝗨𝗹𝗮𝘁 𝗻𝗶 𝗝𝗲𝗿𝘄𝗶𝗻 𝗜𝗱𝗼𝗹, 𝗞𝗮𝗽𝗮𝘁𝗶𝗱 𝗜𝗻𝘀𝗶𝗱𝗲𝗿



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form