FPJAP, sasabak sa mahaba-habang lock-in taping

 

Sa presscon kahapon ng bagong game show ng Viva Entertainment na "Rolling In It Philippines" ay sinabi ni Yassi Pressman na may kinakasang isang mahaba-habang lock in taping ang ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano. "Ang alam ko po may lock-in taping sila nang mahabang mahaba. So baka tapos na yung show namin (bago sila matapos ng taping)", sagot na si Yassi sa tanong kung may posibilidad bang magguest si Coco sa Rolling In It.

Open Photo

Si Yassi ang gumanap bilang si Alyana Arevalo-Dalisay, ang asawa ng karakter ni Coco Martin na si Cardo Dalisay na nagtagal ng 5 taon. Napapanood ang FPJ's Ang Probinsyano gabi-gabi, 8PM sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z Channel 11 at sa Todomax Primetime Singko ng TV5, samantalang eere naman sa June 5 ang Rolling In It Philippines sa TV5

– ulat ni R. Caluag, Kapatid Insider

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form