Yassi ng lumisan sa FPJAP: 'Di ako tinanggal, ako ang umalis sa serye ni Coco


Sa wakas ay nagsalita na rin si Yassi Pressman o mas kilala bilang si 'Alyanna' na asawa ni Coco Martin sa FPJ's Ang Probinsyano sa kanyang pagkawala sa serye na almost 6 years nang namamayagpag sa primetime TV.

Paliwanag ni Yassi, hindi siya tinanggal sa serye, bagkus siya ay nagpaalam to seek a greener pasture, 'ika nga.

Mula sa pagiging aktres at bida sa AP, susubukan ni Yassi na mag-host ng isang reality program, ang Rolling In It, ang Philippine version ng isang sikat na game show sa UK.

Sa presscon ng Rolling In It nitong Martes (May 25), opisyal nang ipinakilala ng TV5, Cignal at Viva Television si Yassi bilang host ng game show na magsisimula nang mapanood sa June 5, 2021. Ang nasabing game show ang number one sa United Kingdom na nagsimula noong August 8, 2020.

Sa presscon, nabanggit ng aktres na personal choice siya ng Rolling In It UK creators para maging host ng Philippine version ng game show, at ito ang kanyang unang programa matapos magpaalam sa Ang Probinsyano ang karakter niya noong January, 2021. 

Ikinokonsidera ni Yassi na ang pag-alis niya sa AP ay isa sa pinaka-risky o napaka-tough decision sa kanyang buhay na kanyang ginawa.

Isa sa mga unang dahilan kung bakit nag-decide itong mamili ng programa ay dahil sa "schedule".

“That happened din po kasi because of schedule dahil mahirap na rin po ituloy 'yung locked-in. Kaya po sobrang thankful ako sa Dreamscape [Ang Probinsyano producer], sa ABS-CBN, all of my bosses, especially kay Coco [Martin] na I appreciate it, his appreciation na I just really appreciate that he appreciated me and 'yung impact ni Alyana sa kuwento. Sana po, patuloy n'yo silang suportahan, Ang Probinsyano, every week night po 'yan dito rin po sa TV5,” paliwanag ng aktres.

Dahil ang Rolling In It Philippines ang kanyang unang hosting job, nagpapasalamat ito sa generosity ng bihasang game show host na si Robi Domingo na itinuturing niyang isang kaibigan sa ABS-CBN.

Dahil hindi siya nagkaroon ng panahon para sa hosting workshops, malaking bagay daw ang mga pointers ni Robi sa kanya.

“He called me, binigyan pa niya ako ng napakaraming pointers and then he said, ‘Just go, Yas, just be yourself. Just have fun.’

“May mga nakakatawa pa siyang sinabi pero hindi ko na po ‘yun ikukuwento. But thank you Robi,” ayon pa kay Yassi.

Pinasalamatan ni Yassi ang malaking tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng mga producers ng Rolling In It, maging ang TV5 at Cignal TV.

“Thank you for trusting me. It’s an honor to be here.

"For me it’s such a big challenge. But more than anything, excited na excited na ako na mapasaya 'yung mga contestants natin at mapasaya ko 'yung viewers," pahayag ni Yassi.

- ulat ni Ador V. Saluta, BULGAR Online

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form