Gretchen Ho, bumukod na sa pamilya


Kina­ilangang umalis ni Gretchen Ho sa kanilang bahay upang mapanatiling ligtas ang pamilya sa banta ng COVID-19 pandemic.

Araw-araw kasing lumalabas ang TV host para magtrabaho kaya nagpasyang bumukod na lamang. “I moved out because I work every day in the studio. I don’t want to risk it. I don’t want to bring the virus home to my family and we don’t know what will happen to this pandemic. So I told my parents I have to move out and the mind set na ‘Wala, kailangan talaga natin mag-solo living, mag-adulting, mag-condo living, and embracing this new chapter of my life,” nakangiting kuwento ni Gretchen sa kanyang YouTube channel.

Taong 2016 pa nang mabili ng dalaga ang condominium unit na tinutuluyan ngayon pero noong isang taon lamang ito na-turn over ng developer sa kanya.

Bago pa ipatupad ang community quarantine noong isang taon ay nakapamili na rin ng mga kagamitan si Gretchen para sa bagong condo. Naintindihan naman umano ng mga magulang ni Gretchen ang ginawang pag-alis sa kanilang bahay. “Hindi kasi masyadong uso sa amin sa kultura naming Filipino-Chinese to move out before kasal. So it’s really a big move for me to do this,” paglalahad ng TV host.

- Ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider (Via PSN)




Paano nga ba mag-rescan ng Digital TV boxes? Follow these steps Kapatid para makasama namin kayo sa panonood araw-araw!



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form