Piolo Pascual, niregaluhan ng Jet Ski nina Dra. Belo at Hayden


Isa pang pinagkaguluhan sa social media ay ang Instagram post ni Piolo Pascual kung saan ay makikita sa larawan na naka-topless siya’t naka-shorts habang nagmamaneho ng jet ski sa dagat.

Of course, sa larawan ay oozing with hotness si Papa P. kaya nagkagulo na naman ang mga fans niya.

Pero bukod sa kanyang mala-Adonis na kaguwapuhan ay napa-wow din ang mga netizens sa caption ni Piolo kung saan ay pinasasalamatan niya ang mag-asawang Hayden Kho at Dra. Vicki Belo sa napakabonggang regalo sa kanya.

“Got a super wonderful gift from these lovely and always generous friends of mine... @victoria_belo @dochayden thank you so much. You guys are the sweetest... now what to do with the sun spots,” ang caption ni PJ with matching hashtags na #butinalangmaybelo #foreverbelobaby.

From the looks of it, jet ski ang regalo nina Hayden at Vicki kay Papa P kaya naman pinuri-puri ng mga netizens ang kagalantehan ng mag-asawa.

Sa comments section ay sumagot din si Dra. Vicki at aniya, “Love you and miss you.”

Maging si Martin Nievera ay humanga rin at nag-comment ng “Wow nice!”

Reaksiyon naman ng isang netizen, “Doc Vicki and Doc Hayden are so generous... Keep safe po kayong lahat.”

Komento ng isa pa niyang follower, “Ang sweet naman nina Doc Vicki and Hayden.. jet skiii.”

'Kaaliw naman ang ibang netizens na talagang inili-link pa rin siya kay KC Concepcion at komento nila, sana raw ay isakay ni Papa P sa jet ski ang ex-girlfriend. Marami pa rin talaga ang nagwi-wish na magkabalikan sila, in fairness.

— Ulat ni Vinia Vivar, BULGAR Online

Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form