Lunch Out Loud #2, una ang Eat Bulaga

Sa patuloy na pagpapasaya ng Tropang LOL nagpapatuloy din ang pagtaas nito ng ratings, nitong mga nakaraang araw naitala ng AGB Nielsen ang pagiging #2 ng “Lunch Out Loud” nangunguna parin naman ang “Eat Bulaga” ng GMA sa pangatlo lang ang “It's Showtime” sa A2Z at samamantala, nangungulelat naman ang “Happy Time” ng Net25.

Noong Mayo 19, Miyerkules ito ang naitalang ratings sa apat na nagtatapatang noontime shows: Eat Bulaga! (GMA, 5.2%) Lunch Out Loud (TV5, 2.0%) It's Showtime (A2Z, 1.6%) Happy Time (NET25, 0.08%) Noong Mayo 21, Biyernes naman: Eat Bulaga! (GMA, 6.1%) Lunch Out Loud (TV5, 1.7%) It's Showtime (A2Z, 1.3%) Happy Time (NET25, 0.06%) Mayo 24, Lunes naman tumabla ang Lunch Out Loud at It's Showtime: Eat Bulaga! (GMA, 5.1%) Lunch Out Loud (TV5, 1.3%) It's Showtime (A2Z, 1.3%) Happy Time (NET25, 0.06%) Nitong Mayo 25, Martes: Eat Bulaga! (GMA, 5.5%) Lunch Out Loud (TV5, 1.7%) It's Showtime (A2Z, 1.5%) Happy Time (NET25, 0.07%) At nito lamang Mayo 26, Miyerkules pantay nanaman ang ratings ng Lunch Out Loud at It's Showtime: Eat Bulaga! (GMA, 5.2%) Lunch Out Loud (TV5, 1.3%) It's Showtime (A2Z, 1.3%) Happy Time (0.04%) Bagamat nangungulelat ang noontime show ng NET25 na “Happy Time” nagpapatuloy naman itong naghahatid ng kasiyahan sa mga manonood nito kahit naka Work From Home. Ang It's Showtime naman sa Free TV ay bagamat pangatlo lang lagi namang trending topic ito sa twitter na halos araw-araw. Ang Eat Bulaga naman chill lang sa pagiging #1! Nauna ng binuking ni Lunch Out Loud host Bayani Agbayani na #2 ang Lunch Out Loud kasunod ng Eat Bulaga. Mapapanood naman ang Lunch Out Loud tuwing alas-dose ng tanghali mula Lunes haggang Biyernes sa TV5. Mayroong catch-up airings naman ang LOL sa Colours Cignal TV Ch. 202 HD 60 SD tuwing alas-singko.

– ulat ni Jerwin Idol, Kapatid Insider



Post a Comment

Previous Post Next Post

Contact Form